Sayang
©leo.banares
nakatitig nanaman ako,
sa bituing maningning.
iniisip, pinaplano,
kung anong dapat kong gawin.
sa bawat minuto'y ako'y napapaisip,
bakit nilisan ang aking munting langit.?
dumilim ang paligid,
nawala ang saya.
hindi ko na alam,
kung saan pupunta.
sa aking paglayag,
patungo sa'yong pinaroroonan.
aking napansin,
ang puso mong manhid.
sa bawat pag-amin,
ako'y nasugatan.
ang puso ko'y unti-unti nang bumibigay.
sa bawat minuto, ako'y namamatay.
habang ika'y nanonood, tuwang tuwa.
sa aking paglisan, ika'y sumaya,
ang puso ko'y iyong dinala.
nilagay sa garapon,
pinatong sa aparador.
may kinuhang papel,
at dinikit sa pader.
"isang martyr! ako'y inibig.
hindi napansin, ang puso kong manhid.
sayang, kung alam niya lang,
na ang bawat tawa ko'y,
katumbas ng isang garapong luha,
na aking tinatago.
'mahal na pala kita'."
-------------------------------------------------------------------------------------
hanlabo noh??:P hahahaha... 3min poem FTW!:P
getting better, leo.
ReplyDeleteSIYA rin, getting BITTER =))
hahahaha... naswan elpsterrrrsss!!!:))
ReplyDeleteleo indi ko alam n isa k p lang
ReplyDeleteemo? haha ^_^